Saturday, December 24, 2011

Pananaw ng Islam sa Pasko

Kahulugan ng Christmas (Pasko)


Kung ating titingnan ang kahulugan ng Christmas, ito ay isang pagdiriwang ng kalakhang Kristiyanismo tuwing Disyembre 25 bilang paggunita sa mahimalang pagsilang ni Hesu-Kristo. Ang mga Muslim ay naniniwala sa mirakulong pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya. Hindi ka maituturing na tunay na Muslim kapag hindi ka naniniwala dito dahil ito ay nasasaad sa Qur’an [Surah Al Imran, 3:45-47]:

Nang ang mga anghel ay nagsabi: O Maria! Tunay, nagpadala sa iyo ang Allah ng isang magandang balita - isang Salita mula sa Kanya, ang kanyang pangalan ay si Messiyah Hesus, ang anak ni Maria, na bibigyang dangal sa daigdig na ito at sa kabilang buhay, at siya ay makakasama ng mga malalapit sa Allah.[Surah Al Imran, 3:45]

 Siya ay magsasalita sa tao mula sa duyan at sa kanyang paglaki, at siya ay mabibilang sa mga matutuwid.”  [Surah Al Imran, 3:46]

Siya (si Maria) ay nagsabi:
 “O aking Panginoon, paano ako magkakaroon ng anak gayong walang lalaking humawak sa akin.” Siya’y nagsabi: “Sa gayo’y mangyayari, sapagka’t nililikha ng Allah ang anumang Kanyang naisin. Kapag itinakda ang isang bagay, Kanya lamang sasabihin: “Maging” - at ito’y mangyayari.”  [Surah Al Imran, 3:47]

Kung tutuusin, makatuwiran lamang na ang mga Kristiano at Muslim ay nararapat lamang na magdiwang sa Araw ng Pasko dahil pareho naman silang naniniwala sa pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Datapwa’t hindi maipaglilihim na ang mga Muslim sa buong daigdig ay hindi nagdiriwang sa araw na ito. Hindi ba ito salungat sa kanilang sinasabing paniniwala sa pagkasilang ni Hesus (as), Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, na isinilang ni Birheng Maria?

Ito ang malaking katanungan na ating tatalakayin. Kung bakit ang mga Muslim ay hindi nagdiriwang sa araw ng Pasko bagama’t sinasabi nila sa sila’y naniniwala kay Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, na itinuturing nilang isa sa mga dakilang Propetang isinugo ng Allah sa lupa.

Saan Nanggaling ang Katagang “Christmas”?

Upang lubusan nating maunawaan ang Christmas o Pasko, dapat nating malaman kung saan nanggaling ang katagang Christmas o kung ano ang saligan.

Ayon sa mga iskolar na Kristiyano, ang Christmas ay hinango sa mga katagang CHRISTES MASI, na ang ibig sabihin ay Christ Mass, o ang misang patungkol kay Kristo-Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Ang katagang ito “Christmas” ay unang ginamit noong ika-11 siglo (1100 years ago) mga 1,000 taon matapos mawala si Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, sa mundong ito.

Kaya naman, ang salitang ito ay hindi ginamit ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, at ni hindi niya alam ang salitang ito. Maging ang kanyang mga alagad o disipulo ay walang kaalam-alam sa katagang ito sa dahilang hindi tinuran ni Hesus sa kanyang kapanahunan.

Sa wikang Romano, ito ay tinatawag na “DEIS METALIS DOMINI” na ang ibig sabihin ay kaarawan ng panginoong diyos. Isang gawaing Shirk. Katibayan sa Kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Tungkol naman sa petsang Disyembre 25, ang mga iskolar na Kristiyano ay naniniwala na walang sinumang nakababatid sa eksaktong kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Ating mababasa sa COLLIER ENCYCLOPEDIA-- “Ang eksaktong kaarawan ni Hesus ay imposibleng malaman kahit gamitin pa ang mga nakasulat sa ebanghelyo pati na ang kasaysayang nauukol kay Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.”

Gayundin, sa NEW INTL. DICTIONARY OF CHRISTIAN CHURCH, mababasa natin na walang mapagbabatayan sa kasaysayan na nagbibigay katibayan sa araw, at buwan ng pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Sa Islam, ang pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, ay nababanggit sa Qur’an [Surah Maryam, 19:22-26]:

At siya’y nagdalantao, at humayo sa malayong lugar.  [Surah Maryam, 19:22]

At ang sakit ng panganganak ay nagtaboy sa kanya sa may puno ng palmera at siya ay nagsabi:

 Sana’y matagal na akong namatay bago pa dumating ito, at nabaon na (ako) sa limot at wala na sa paningin (ninuman)![Surah Maryam, 19:23]

At nagsalita (ang batang si Hesus o si Gabriel) sa may ibaba niya:

 Huwag magdalamhati! Ang iyong Panginoon ay nagbigay sa iyo ng isang batis na umaagos sa may ibaba mo. [Surah Maryam, 19:24]

"At ugain mo ang puno ng palmera at maglalaglagan ang sariwang hinog na bunga nito sa iyo. Kaya’t kumain at uminom at magalak. At kung makakita ng tao, iyong abihin: Katotohanan, ako ay nangako sa Mapagpala ng pag-aayuno, kaya’t hindi ako makikipag-usap kaninumang tao sa araw na ito.[Surah Maryam, 19:25-26]

Pagdiriwang ng Kaarawan

Sa unang tatlong siglo makaraang mawala si Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, sa daigdig, ang simbahan ay may malakas na oposisyon laban sa pagdiriwang ng kaarawan (birthday) sapagka’t ito ay isang kaugaliang pagano.

Ang mga Hudyo ay hindi nagdiriwang ng kanilang kaarawan. At si Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, ay isang Hudyo. Hindi siya nagdiwang ng kaarawan at hindi rin naman ipinagdiwang ang kanyang kaarawan ng kanyang mga alagad o disipulo.

Ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan.

Kaya’t ang pagdiriwang ng birthday ay isang kaugalian ng mga pagano at ito ay walang kinalaman sa relihiyon na dinala ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya. Ito ay sadyang napakaliwanag. Dito makikita na ang pinanggalingan ng pagdiriwang ng kaarawan ay hindi nabibilang sa mga kapahayagan ng Allah bagkus isang kaugalian ng mga pagano ng isinama sa isinasagawa ngayon ng simbahang Kristiyanismo.

Pagdiriwang ng Pasko sa iba’t ibang Petsa 

Si CLEMENT NG ALEXANDRIA ay nagsabi na ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, ay naroroon na noong taong 200 sa Ehipto.

Ito ay ipinagdiriwang sa iba’t ibang araw sa iba’t ibang lugar. Ang mga iskolar ng Kristiyanismo noong ika-2, 3, 4 at 5 na siglo, ay nag-aangkin ang bawa’t isa sa kanila ng kaalaman sa tunay na kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya. Wala silang napagkasunduan tungkol sa eksaktong kaarawan ni Hesus.

Matapos mabinyagan si Constantine sa pananampalatayang Kristianismo, ang simbahan sa Roma ay ipinag-utos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus tuwing ika-25 ng Disyembre. Ang panahon ni Constantine ay noong ika-4 na siglo. Sa panahong ito lamang itinakda ang Disyembre 25 bilang kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Bagama’t karamihan ng Kristiyano sa mga panahong yaon ay nagdiriwang sa kaarawan ni Hesus tuwing Disyembre 25, ang pagdiriwang ng mga Armenians (Eastern Church) ay kanilang isinasagawa tuwing ika-6 ng Enero magpahangga ngayon.

Ano ang Saligan ng Pagpili sa Disyembre 25?

Saan nanggaling ang Disyembre 25? Ating matutunghayan din sa COLLIERS ENCYCLOPEDIA na ang pagpili ng Disyembre 25 ay nakuha sa mga paganong Romano sa kanilang pagdiriwang ng “MITALIS SOLIS INVICTI”, isang pagdiriwang sa kapangyarihan ng Diyos na Araw (Sun God) sa relihiyong MITHRAISM.

Ang pagdiriwang na ito ay sadyang kilalang-kilala sa mga Romano. Ito ay tanda na ang simbahan ay ginamit itong paraan upang akitin ang mga Romano na ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, sa petsang ito upang makalimutan nila ang kanilang pagsamba sa Araw.

Huwag nating kalilimutan na ang Kristiyanismo ay pinalaganap sa Roma at upang hikayatin ang mga paganong ito, isinama sa pagdiriwang ng simbahan ang kanilang mga paganong kaugalian. Sina ST. CIPRIAN at ST. JOHN CRYSOSTOM ay pinatutunayan ito sa kanilang mga aklat.

Gayundin naman, ating mababasa sa ENCYCLOPEDIA OF RELIGIONS AND ETHICS na may isang matandang kaugalian ang mga Romano sa pagdiriwang ng SATURNALIA (God of Saturn).
- Ito ay pinagdiriwang sa araw ng Disyembre 25.
- Ito ay laganap sa bansa. (National holiday)
- Ang mga paaralan ay nakasara
- Walang ipinatutupad na kaparusahan sa araw ng iyon (ceasefire)
- Nagpapalit sila ng damit
- Ang sugal na dice ay pinahihintulutan
- Nagbibigayan ng regalo. Manika ang ipinamimigay sa bata.

Sa Northern Europe, ang tribo ng TEOTONIC ay nagdiriwang ng kanilang WINTER SOLISTICE tuwing ika-25 ng Disyembre sa paniniwalang isinisilang na muli ang araw.

Ang pagdiriwang ng Disyembre 25 ay naging laganap at ito ay itinuring ng simbahan ng Kristiyanismo bilang isang pamamaraan ng kanilang dibosyon sa pananampalataya.

Pagbabawal sa Pagdiriwang

Magkagayunman, noong sumapit ang taong 1642 hanggang 1652, ang mga Kristiyanong Puritano sa Inglateria ay nagpalabas ng batas sa pagbabawal ng misa at pagdiriwang sa araw na ito. Gayundin, ito ang naging desisyon ng mga Kristiyano sa Amerika na dala ng mga dayuhan. Subali’t nang dumating ang taong 1900, ang maraming mga dayuhan sa Amerika na galing sa Germany at Ireland ay nagbigay buhay na naman sa paganong pagdiriwang na ito. Kahit na may oposisyon (pagtutol ng simbahan), ito ay natabunan dahil sa dami ng mga imigrante.

Christmas Tree

Maging ang Christmas tree ay galing din sa paganong kaugalian. Ito ay sikat sa nauang Ehipto at Roma. Sa kanilang pagdiriwang sa Saturnalia, ang Evergreen tree ang gamit na palamuti sa bahay at sa mga kalsada dahil ito ay simbolo ng walang hanggang buhay sa dahilang ang punong ito ay hindi namamatay sa panahon ng taglamig (winter). Mga Tagasunod ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Kaya’t ang masugid na Kristiyano, tagasunod ni Hesu-Kristo, lalong-lalo na ang mga lagi nang bumabanggit ng John 14:6 - “Ako ang landas, katotohanan, at ang buhay. Walang makapaparoon sa Ama maliban sa pamamagitan ko”, ay dapat lamang sundin ang landas na itinuro ni Hesus.

 Ang Pasko ay walang koneksiyon sa pagtuturo ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya. Ang pagdiriwang nito ay hindi magbibigay kasiyahan sa kanya at sa nagsugo sa kanya dahil hindi naman niya ito ipinatupad. Ito ay hindi bahagi ng landas ng kanyang itinuro. 

Ang mga Muslim ba ay pinahihintulutang sumama sa pagdiriwang ng Pasko o kaya’y magbigay pagbati sa Pasko. Hindi dahil sa mga sumusunod;
1. Ito ay isang hayagang pagkunsinti sa isang kaugaliang pagano.
2. Ito ay isang gawaing hindi naaayon sa turo ni Hesus
3. Ito ay direktang pagsalungat o paglabag sa kanyang pananampalataya.
4. Ito ay isang pagkukunwari at ang Islam ay kinasusuklaman ang pagkukunwari.

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Sinuman ang gumaya sa kaugalian ng iba, siya ay nabibilang sa kanila.”

Ang Qur’an ay nagsasabi:
Sa araw na ito ay pinaging-ganap Ko ang inyong relihiyon para sa inyo, ginawang lubos ang Aking tulong sa inyo, at pinili para sa inyo ang Islam bilang inyong relihiyon.... [Surah Al Maidah, 5:3]

Naniniwala tayo sa Allah at sa itinuturo ng Islam batay sa kapahayagan. Ito ay hindi nagbabago ayon sa kapritso o pagkagusto ng tao. Ang Qur’an at ang mga Sunnah ni Propeta Muhammad, ang magsisilbing gabay sa atin kung paano natin isabuhay ang itinuturo ng Islam.

Pagdiriwang sa Kaarawan ni Propeta Muhammad

Ngayon naman, ang maaaring itanong sa atin ay ganito: Bakit ninyo sinasabing ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, ay gawaing pagano, samantalang kayo ay nagdiriwang din ng kaarawan ni Propeta Muhammad. Ito ay sadyang napakalungkot na nangyayari. Bagama’t ang mga Muslim ay may maliwanag na patnubay na nananatiling nasa orihinal na anyo hanggang sa ngayon, hindi pa rin maiwasan ng iba ang pagsagawa ng mga bagay na salungat sa itinuturo ng Islam. Ito ay dulot ng kamangmangan sa pananampalataya at sa pagnanais na tularan ang ginagawa ng iba.

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Anumang bagong bagay na isinasama sa ating pananampalatayang ito (Islam), ay hayaan itong itakwil.”

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Wala nang iba pang gawain na makapaglalapit sa inyo sa Allah maliban lamang sa mga naituro ko sa inyo.”

Bilang pangwakas, tayong mga Muslim ay may dalawang batayan sa ating panuntunan ng buhay: ang Qur’an at ang Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang ating pamumuhay at pagsamba ay nararapat lamang ayon sa Kanyang ipinahayag at sa pamamaraang itinuro ng Kanyang Propeta upang ito ay tanggapin ng Allah.

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“May dalawang bagay akong iiwanan sa inyo na kung inyo itong panghahawakan ng mahigpit ay hindi kayo maliligaw: ang purong Salita ng Allah at ang aking Sunnah.”

Mga karagdagang mga talata sa Qur’an at mga Hadith:
  • Katotohanan, nasa Sugo ng Allah ang pinakamahusay na halimbawa upang pamarisan - sa sinuman na may pag-asam sa (pagharap sa) Allah, sa Huling Araw at laging alaala ang Allah. [Surah Al Ahzab, 33:21]
  • “...At anuman ang ibigay sa inyo ng Sugo ay kunin ito, at anumang kanyang ipagbawal sa inyo ay iwasan ito...” [Surah Hashr, 59:7]
  • “... At hayaan ang mga sumasalungat sa mga ipinag-uutos ng Sugo na mag-ingat, kung hindi’y magkakaroon sila ng Fitnah (pagsubok, kahirapan, lindol, patayan, pang-aapi, etc) o isang napakasakit na parusa ang mapapasakanila.” [Surah An-Nur, 24:63]
  • O kayong nananampalataya! Sundin ang Allah at sundin ang Sugo), at yaong may otoridad. Kung kayo’y di-magkaunawaan sa anumang bagay sa isa’t isa, isangguni sa Allah at sa Kanyang Sugo (saws), kung kayo ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mahusay at higit na karapat-dapat sa huling pagpapasiya.” [Surah An-Nisa, 4:59]
  • At kung inyong susundin ang karamihan dito sa daigdig, kanilang ililigaw kayo nang malayo sa landas ng Allah. Wala silang sinusunod maliban sa haka-haka, at wala silang ginawa kundi magsinungaling.” [Surah Al An-am, 6:116]
Si Propeta Muhammad (saw) ay nagsabi:
Mag-ingat sa kalabisan tungkol sa relihiyon. Napahamak ang mga nauna sa inyo dahil sa kanilang pagmamalabis tungkol sa relihiyon.

Si Propeta Muhammad (saw) ay nagsabi:
Huwag magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako ay isang alipin, kaya’t inyo lamang sabihin: “Alipin ng Allah at Kanyang Sugo”.


Wednesday, October 5, 2011

Ang Mga Mabibigat na Kasalanan

Ang Mga Mabibigat na Kasalanan

Ang lahat ng papuri ay nararapat sa Allah (swt) lamang, ang Rubb (panginoon) ng lahat ng mga daigdig. At ang kapayapaan at pagpapala nawa'y mapasa-sugo ng Allah (swt), si Muhammad Ibn Abdullah, ang kanyang mag-anak, ang kanyang mga kasama, at ang lahat ng sumunod sa kanilang patnubay hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ang Makapangyahang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an:

Kapag inyong iiwasan ang mga pangunahing kasalanan an ipinagbabawal na gawin ninyo, aming patatawarin ang inyong mga (maliliit) na kasalanan, at tatanggapin kayo sa isang Napakagandang Pasukan (Paraiso). [Qur’an, 4:31]

Ipinangako ng Allah (swt) sa latudtod na ito na ninuman ang imiwas sa mag pangunahing malalaking kasalanan, Kanya siyang tatanggapin sa Paraiso. Ang nga maliliit na kasalanan ay pinapatawad sa pamamagitan ng pang-araw-araw ng limang Salat, sa pag-aayuno sa Ramadan at iba pang mabubuting gawain.

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “
Ang limang (araw-araw na) Salat, at magmula sa inyong Jumu’ah (Biyernes) Salat hanggang sa (susunod) na Jumu’ah  Salat, at magmula sa (isang) Ramadan ay mga kabayaran sa mga (kasalanang) nagawa sa pagitan (ng kanilang patlang), kung ang mga pangunahing kasalanan ay hindi nagawa.” [Iniulat ni Muslim]

Ang ilang tao ay nag-iisip na mayroon lamang pitong pangunahing kasalanan ang binanggit ng Propeta Muhammad (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam)) sa kanyang Hadith:

“Iwasan ang mga pitong malalaki at mapanirang mga kasalanan” Sila ay (mga tao) ay nagtanong: “O Sugo ng Allah! Ano ang mga iyon.” Siya ay nagsabi: “Ang magtambal ng iba sa pagsamba sa Allah, ang magsagawa ng pangkukulam, ang kumitil ng buhay ng ipinagbabawal ng Allah maliban kung para sa isang layuning makatarungan (ayon sa batas ng Islam), ang kumain ng (galing sa) Riba (malabis na patubo), ang kamkamin ang ari-arian ng isang ampon, ang ipakita ang likod sa kaaway at patakas mula sa larangan ng digmaan sa panahon ng pakikipaglaban, at ang pagbintangan ang mga malilinis (mahihinhin) na kababaihan na kailanaman ay mabubuting naniniwla.” [Iniulat ni Muslim]

Maliban sa pitong ito, mayroon pang iba na ibinilang ang ilang pantas upang umabot ito sa mahigit na pitumpo. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pangunahing kasalanan na nararapat malaman at iwasan ng mga Muslim:

1.     Shirk (Pagtatambal ng iba sa Allah)

Mayroong dalawang uri ng Shirk:

a. Pagtatambal ng iba sa Pagsamba sa Allah (swt) (Pangunahing Shirk). Ito ay ang pagsamba sa iba maliban sa Allah (swt) o ang pag-aalay ng anumang gawang pagsamba sa iba maliban sa Allah (swt), kagaya ng pananalangin o pag-aalay ng sakripisyo sa iba maliban sa Allah (swt). Ang Makapangyarihang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an, ang ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

Katotohanan, ang Allah ay hindi nagpapatawasd sa pagtatambal ng iba sa Kanya sa pagsamba, bagama’t siya ay nagpapatawad (sa anupaman) maliban sa Kanyang naisin.  At sinumang magtambal ng iba sa Allah sa pagsamba siya nakagawa ng isang napakalaking kasalanan.” [Qur’an, 4:48]

b. Bahagyang (maliit na) shirk. Ito ay hindi bumubuo ng pagtatakwil sa pananampalataya ngunit umiiwan sa Tawhid, kagaya ng panunumpa sa iba maliban sa Allah (swt).  Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi:

Siya na sumusumpa sa iba maliban sa Allah ay nakagagawa ng Kufr of Shirk.” [Iniulat ni At-Tirmidhi at ng iba pa]

Ang ‘Riya’ ay ang pagsasagawa ng gawang pagsamba upang magpakitang-tao lamang, hindi para sa kapakanan ng Allah (swt). (Paunawa: Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng layunin na magpakitang tao maliban para sa kapakanan ng Allah (swt). Subalit kapag ang gawang pagsamba ay ganap na nilalayon para sa iba maliban sa Allah (swt), ito ay maibibilang na pagtatambal sa iba sa Allah (swt).)

2.  Sinadyang Pagpatay

Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an:

"
At yaong hindi nanalangin ng iba kasama ng Allah, ni ang kumitil ng buhay na ipinagbawal ng Allah maliban sa layuning makatarungan, ni ang makagawa ng bawal na pakikipagtalik ­at ssinumang gumawa nito ay makatatanggap ng parusa." [Qur’an, 25:68]

3.  Pangkukulam (Salamangka)

Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an:

"Kanilang sinunod kung ano ang ipinamigay ng mga shayatin (mga diyablo) (kasinungalingan sa salamangka) sa panahon ni Sulaiman (Solomon). Si Sulaiman ay hindi nagtakwil, subalit ang mga shayatin ay hindi naniwala, na nagturo sa tao ng salamangka... " [Qur’an, 2:102]

4.  Pag-iwan ng As-Salat

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

"Pagkatapos, mayroong sumunod sa kanilang angkan na nag-iwan ng As-Salat at sumunod sa mga kamunduhan. Sa gayon ay itatapon sila sa Impiyerno." [Qur’an, 19: 59]

At ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi:
"Sa pagitan ng tao at di paniniwala at paganismo ay ang pag-iwan sa Salat.” [Iniulat ni Muslim]

Gayundin, ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "
Yaong pinagkaibhan natin sa mga di-naniniwala at mapagkunwari ay ang ating tungkulin (pangako) sa As-Salat. Siyang mag-iwan nito ay magiging di-naniniwala."  [Iniulat ni At-Tirmidhi]

5.  Pagtangging Magbayad ng Zakat

Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an:

"At huwag hayaang isipin yaong mga masakim na ipinagkakait ang mga ipinagkaloob na kasaganaan (yaman) ng Allah sa kanila na mabuti para sa kanila (at sa gayon ay hindi sila nagbabayad ng itinakdang tungkulin na Zakat). Hindi, higit na makasasama ito sa kanila; ang mga bagay na masakim nilang ipinagkait ay itatali sa kanilang mga leeg na parang kulyar sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” [Qur’an, 1:180]

Ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "
Ang sinuman na binigyang yaman ng Allah ngunit hindi nagbabayad ng Zakat nito, kung gayon sa Araw ng Muling Pagkabuhay, ang kanyang kayamanan ay ibibigay sa kanya sa anyo ng kalbo ang ulong makamandag na lalaking ahas na may dalawang makamandag na glandula (pangil) sa bunganga nito at pupulupot ito paikot sa leeg niya at kakagatin siya sa kanyang mga pisngi at sasabihing: `Ako ang iyong yaman. Ako ang iyong kayamanan. 'Pagkatapos ay binigkas ng Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ang Taludtod 180 ng Kabanata 3." [Iniulat ni Al-Bukhari]

6. Pagtigil sa Pag-aayuno sa Anumang Araw ng Ramadan nang Walang Dahilan.

Ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "Sinumang tumigil sa kanyang pag aayuno sa anumang araw ng Ramadan nang walang dahilan na pinahintulutan ng Allah ay hindi makapagpupuno nito kahit na ipag-ayuno niya ito nang buong isang taon.” [Iniulat ni Ahmed, At-Tirmidhi at iba pa]

7.  Pag-iwan ng Hajj (Paglalakbay) sa Kabila ng Kakayahang Isagawa ito:

Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an:

"
At ang Hajj sa Bahay ay isang tungkulin na utang ng sangkatauhan sa Allah sa mga makakakaya ng gugugulin (sa paglalakbay, pagkain at tirahan). At sinuman ang hindi naniniwala (nagtatatwa sa Hajj), sa gayon ay hindi kailangan ng Allah ang sinuman sa mga Alamin (sangkatauhan, jinn).” [Qur’an, 3:97]

8. Pagsuway (Di-pagsunod) sa mga Magulang

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "Hindi ko ba ipagbibigay-alam sa inyo ang pinakamalaki sa mga pangunahing kasalanan? Itinanong ng Sugo ng Allah ang tanong na ito nang tatlong ulit. Ang mga tao ay nagsabi: ‘Oo, O Sugo ng Allah, maaari lamang ipagbigay-alam sa amin.’ Siya ay nagsabi: ‘Ang magtambal ng iba sa pagsamba sa Allah at ang pagiging di-masunurin sa kanyang mga magulang.’ Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay tumuwid na umupo mula sa kanyang nakasandal na kalagayan at nagsabi: ‘At binabalaan ko kayo laban sa pagbibigay ng gawa-gawang (kasinungalingan) mga pahayag at huwad na pagsasaksi.’" [Iniulat nni Al Bukhari at Muslim]

9.  Huwad na Pagsasaksi

Tingnan ang nakaraang Hadith

10. Pagpuputol sa Ugnayan (Bigkis) ng Pagkakamag-anakan

Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an:

Kayo ba, kung bibigyan kayo ng kapangyarihan (kapahintulutan), ay gagawa ng kasamaan (dito) sa lupa, at puputulin (papatirin) ang bigkis ng pagkakamag-anakan?  Kagaya nila ang isinumpa ng Allah, kung kaya't sila ay ginawa Niyang bingi at binulag ang kanilang paningin.” [Qur’an, 47:22-23]

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "
Ang taong pumuputol sa bigkis ng pagkakamag-anakan ay hindi makakapapasok sa Paraiso.” [Al-Bukhari at Muslim]

11.  Bawal na Pakikipagtalik (Pangangalunya, Pakikiapid)

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

"
At huwag lumapit sa (layuan ang) bawal na pakikipagtalik. Katotohanan, ito ay Fahishah (anumang lumalampas sa kanyang hangganan) at isang masamang gawi.[Qur’an, 17:32]

12.  Sodomiya (Pagkakaroon ng Damdamin ng Kabilang Kasarian)

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

"
At (tandaan) si Lout (Lot) noong kanyang sinabi sa kanyang lipi: `Kayo ay nakagawa ng al­-Fahishah (sodomiya - aang ppinakamalalang kasalanan) na walang nauna sa inyo sa (paggawa) nito sa Alamin (sangkatauhan at jinn).'" [Qur’an, 29: 28]

Ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "
Sinuman ang makita ninyong nagsasagawa ng sodomiya sa gayon ay patayin ang gumagawa at ang ginawan." [Iniulat ni Abu Dawood]

Ang ibig sabihin ng Hadith na ito ay, kapag ang dalawang lalaki ay natuklasang gumagawa ng ugnayang seksuwal sa isa't isa (na nararapat gawin sa kabilang kasarian - asawa), silang dalawa ay nararapat na patayin. Ang kautusan ng pagpatay ay kinakailangang mula sa pinuno o dili kaya ay sa pamamagitan ng kautusan (hatol) ng hukumang Islamiko. Ipinagbabawal din sa asawang lalaki ang magsagawa ng sodomiya sa kanyang asawa. Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "
Ang Allah ay hindi titingin (sa Araw ng Paghuhukom) sa taong nagsagawa ng sodomiya kasama ng isa pang lalaki o dili kaya ay kasama ng kanyang asawa (babae)." [Iniulat ni At­Tirmidhi]

Gayundin, ang lesbiyanismo (pakikipag-ugnayan sa kapwa babae) ay ipinagbabawal sa Islam.

13. Malabis na Pagpapatubo

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

"
Yaong kumakain ng (galing sa) malabis na pagpapatubo ay hindi tatayo (sa harap ng Allah) (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) malibang kagaya ng pagtayo ng isang taong pinalo ng Satanas na nagtulak sa kanyang pagkabaliw. Iyan ay dahil kanilang sinasabi: `Ang kalakalan ay para lamang sa malabis na pagpapatubo,' samantalang ang Allah ay nagpahintulot sa kalakalan at ipinagbawal ang malabis na pagpapatubo." [Qur’an, 2: 275]

Isinalaysay ni Abdullah bin Masud: "
Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsumpa sa isang tumatanggap ng malabis na patubo at yaong nagbabayad nito." [Iniulat ni at-Tirmidhi at ang mga iba pa]

14. Pagkamkam sa Ari-arian ng Ulila

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

"
Katotohanan, yaong di-makatarungang nangamkam ng ari-arian ng mga ulila, sila ay kakain lamang ng apoy sa kanilang mga tiyan, at sila ay susunugin sa naglalagablab na apoy." [Qur’an, 4:10]

15.   Pagsasabi ng Kasinungalingan Laban sa Allah (swt) at sa Kanyang Sugo (sas)

Sinabi ng Allah (swt) Qur'an:

"
At sa Araw ng Muling Pagkabuhay inyong makikita yaong mga nagsinungaling laban sa Allah, ang kanilang mga mukha ay magiging itim. Hindi baga't sa Impiyerno ay may tirahan para sa mga palalo?" [Qur’an, 39: 60]

At ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "
At sinuman ang sinadyang magsabi sa akin ng kasinungalingan, sa gayon ay (tiyak) hayaang tirhan niya ang kanyang lugar sa Impiyernong Apoy.” [Iniulat ni Al Bukhari]

Ang pagsasabi ng kasinungalingnan laban sa Allah (swt) at sa Kanyang Sugo ay ang pagsasabi na "Ang Allah (swt) ay nagsabi" samantalang ang katotohanan ay hindi Niya sinabi. At ang pagsasabi na "Ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi' samantaling sa katotohanan ay hindi niya sinabi. Gayundin ang pagsasabi na ang gawang ipinahihintulot ay bawal o ang gawang bawal ay ipinahihintulot ay napapaloob sa pangunahing kasalanan na ito.

16. Pagtakas Mula sa Larangan ng Digmaan sa Panahon ng Pakikipaglaban

Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an:

O kayong naniniwala! Kapag inyong makakasagupa yaong mga hindi naniniwala sa larangan ng digmaan, kailanman ay huwag tumalikod sa kanila. At sinumang tumalikod sa kanila sa gayong araw maliban kung ito ay paraan (pakana) ng pakikidigma, o ang umatras sa (kanyang sariling) pangkat, tunay ngang natamo niya ang poot ng Allah. At ang kanyang tirahan ay ang Impiyerno, at napakasamang tunay ng patutunguhang iyan.” [Qur’an, 8:15-16]


17.  Ang Pagiging Traidor  ng Pinuno sa Kanyang Nasasakupan

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "Kapag nag-atas ang Allah ng sinuman sa Kanyang mga alipin bilang pinuno sa isang angkan (lipi) at siya ay namatay sa pagiging taksil sa kanyang nasasakupan, ipagbabawal sa kanya ng Allah ang pagpasok sa Paraiso." [Napagkasunduan]

18.  Pagmamataas, Kapalaluan, at Pagmamayabang

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling wika ng ganito:

"Katiyakan, batid ng Allah kung ano ang kanilang inililihim at kung ano ang kanilang ipinahahayag. Tunay, kinamumuhian Niya ang mga palalo." [Qur’an, 16: 22]

At ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "
Siya na may gabutil man na kapalaluan sa kanyang puso ay hindi papasok sa Paraiso. Isa ay nagsabi: "Paano ang taong mahilig magsuot ng mga magagandang mga kasuotan at sapatos?" Ang Propeta (saw) ay nagsabi: "Ang lahat ng mga nakapangyayari ayon sa kagustuhan ng Allah ay magaganda at kinalulugdan Niya ang kagandahan. Ang ibig sabihin ng kapalaluan (pagmamataas) ay ang panunuya at pagtatawa sa Katotohanan at pagkasuklam sa mga tao." [Iniulat ni Muslim]

19.   Pag-inom ng mga Nakalalasing na Alak (Lahat ng Uri ng mga Inuming may alkohol)

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

"
O kayong nainiwala! Ang mga nakalalasing na alak, pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya't iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay." [Qur’an, 5: 90]

Ang pag-inom ng mga nakalalasing na alak ay ipinagbabawal gaano man kaliit ang bahagi ng alak. Nasasaklaw din nito ang mga ipinagbabawal na gamot.

20.  Pagsusugal

Tingnan ang nakaraang taludtod [5:90].

21.  Pagpaparatang (Pagbibintang) sa mga malilinis na kababaihan.

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling wika ng ganito:

"
Katotohanan, yaong mga nagpaparatang sa mga malilinis na mga kababaihan, na kailanman ay hindi man lang iniisip na galawin (sirain) ang kanilang kalinisan at sila ay mga mabubuting naniniwala, ay isinumpa sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay. At ang magiging para sa kanila ay ang napakalaking paghihirap."   [Qur’an, 4: 23]

Ang ibig nitong sabihin ay ang pagpaparatang sa mga malilinis na kababaihan na sila ay nangangalunya (nakikiapid).


22.    "Ghulul" na ang ibig sabihin ay pagkuha sa ilang mga nasamsam (sa digmaan) bago hatiin ito ng pinuno sa mga nakipaglaban

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an; na ang kahulugan ay isinaling wika  nang ganito:

"Hindi angkop sa Propeta ang pagkamkam ng bahagi ng nasamsam (Ghulul). At sinumang manlinlang sa kanyang mga kasama kung tungkol sa nasamsam, kanyang dadalhin sa Araw ng Muling Pagkabuhay yaong kanyang kinamkam (nang bawal). Pagkatapos ay pagbabayaran nang buo ng tao kung ano ang kanyang natamo. At sila ay hahatulan nang makatarungan.” [Qur’an, 3: 16]

23.  Pagnanakaw

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

"
Putulin (mula sa kasukasuan ng pulso) ang (kanang) kamay ng magnanakaw, lalaki o babae, bilang kabayaran sa kanilang ginawa, kaparusahan sa pamamagitan ng halimbawa mula sa Allah. At ang Allah ay Lubos na Makapangarihan, Lubos na Nakababatid." [Qur’an, 5: 38]

24.  Pandadambong (Panunulisan)

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

"
Ang kabayaran sa mga nakikipaglaban sa Allah at sa Kanyang Sugo at gumagawa ng kasamaan sa lupa ay yaong sila ay papatayin at ipapako sa krus, o puputulin ang kanilang mga kamay, paa sa magkabilang panig, o dili kaya ay itaboy mula sa kanilang lupain. Iyan ang kanilang kahihiyan sa mundong ito, at mapapasakanila ang napakatinding paghihirap sa Kabilang Buhay.”  [Qur’an, 5: 33]

25.  "Al-Yamin Al-Ghamus" (Huwad na Sumpa)

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "Sa mga pangunahing kasalanan ay ang pagtatambal ng iba sa pagsamba sa Allah, pagsuway (di pagiging masunurin) sa mga magulang, pagpatay nang walang kadahilanan, at (sinadyang huwad na panunumpa." [Iniulat ni Al-Bukhari]

"Isang lalaki ang lumapit sa Propeta Mohammed (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) at nagtanong sa kanya: `O Sugo ng Allah, ano ang mga pangunahing kasalanan? ' Siya ay sumagot: `Ang pagtatambal ng iba sa pagsamba sa Allah. Ang lalaki ay nagtanong: `Ano ang susunod?'  Siya ay nagsabi: Al Yamin Al-Ghamus.'  Ang lalaki ay nagtanong:  `Ano ang ibig mong sabihin sa Al-Yamin Al-Ghamus?'  Ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: `Panunumpa ng huwad upang kamkamin ang ari-arian ng isang Muslim.'" [Iniulat ni Al Bukhari]


26.  Kawalan ng Katarungan at Pang-aapi [paggawa ng masama sa iba sa pamamagitan ng pagkamkam sa kanilang ari-arian , pananakit sa kanila, o pagsumpa (pagmumura) sa kanila]

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Mag-ingat (magmatyag) laban sa paggawa ng pang-aapi, kadiliman ang magiging para sa pang-aapi sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” 

Gayundin ayon sa Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ang Allah (swt) ay nagsabi: “
O aking mga alipin, Aking itinakda para sa Aking sarili na hindi gagawan ng masama ang sinuman, at ginawang bawal para sa inyo ang pang-aapi. Kung kaya’t huwag mang-api sa isab-isa.”  [Iniulat ni Muslim]
27.  “Al-Makas”

Ang “Al-Makas” ay ang taong nang-obliga sa mga taong magbayad ng “tol” (bayad sa karapatang gamitin ang isang bagay) upang makadaan sa lansangan (daan). Ang taga bantay nito, ang taga-sulat nito, at ang ingat-yaman ay (magkakapariho) iisa sa kasalanang ito. Al-Makas ay bahagi ng pang-aapi.  Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an ng ang kahulugan ay isinaling-wika ng ganito:

Ang daan (ng paninisi) ay tanging laban sa kanilang mga nang-aapi ng tao at gumagawa ng maling pagtutol sa digding. Para sa gayon, magkaroon ng napakasakit na paghihirap.” [Qur’an, 40:42]

18.   Pagpapakamatay

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika ng ganito:

At huwag patayin ang inyong mga sarili (maging ang patayin ang isa’t-isa). Katiyakan ang Allah ay Lubos na Mahabagin sa inyo. At sinomang gagawa niyan sa pamamagitan ng pagsalakay at di-pagkamakatarungan, Amin siyang ihahagis (itatapon) sa Apoy, at iyan ay madali para sa Allah.[Qur’an, 4:29-30]

Sa salaysay ni Abu Hurairah, ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “
Siyang nagpapakamatay sa pagbibigti ay patuloy na bibigtihin ang kanyang sarili sa Impiyernong Apoy (magpakaylanman). At siyang nagpapakamatay sa pagsaksak sa kanyang sarili ay patuloy na sasaksakin ang kanyang sarili sa Impiyernong Apoy (magpakaylanman).”  [Iniulat ni Al-Bukhari]

29.   Kasinungalingan (Pagsisinungalin)

Ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Ang katutuhanan ay nagbibigay-diin sa kabanalan at ang kabanalan ay nagiging daan sa Paraiso. Ang tao ay nagsusumikap sa pagsasabi ng katotohanan hanggang siya ay maitala kay Allah bilang isang tapat na tao. Ang kasinungalingan ay nagbibigay-daan sa pagkakasala at ang pagkakasala ay nagiging daan sa Impiyernong Apoy. Ang tao ay patuloy na magsasabi ng kasinunaglingan hanggang siya ay maitala kay Allah bilang isang napakalaking sinungling.” [Napagkasunduan]

30. Paghahatol (Pagpapasiya) ng Iba sa Ipinahayag ng Allah

 Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

At sinumang hindi naghahatol (nagpapasiya) ayon sa kung ano ang ipinahayag ng Allah, gayon ang mga Kafireen (di-naniniwala).[Qur’an, 5:44]

At sinumang hindi naghahatol (nagpapasiya) ayon sa kung ano ang ipinahayag ng Allah, gayon ang mga Dhalimeen (nagtatambal ng iba sa Allah).[Qur’an, 5:45]

At sinumang hindi naghahatol (nagpapasiya) ayon sa kung ano ang ipinahayag ng Allah, gayon ang mga Fasiqeen (makasalanan)[Qur’an, 5:47]

31.   Pagtanggap ng Suhol  Para sa Paghahatol

Ang ibig sabihin nito ay ang pagtanggap ng suhol ng isang nagbibigay ng hatol sa pagitan ng dalawang tao (o panig), kagaya ng pinuno o hukom. Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

At huwag kamkamin ang ari-arian ng isa nang di-makatarungan, maging ang mabigay ng suhol sa mga tagahatol (mga hukom) bago pa man ilahad ang inyong mga habla nang sa gayon ay batid mong iyong makakamtan ang bahagi ng ari-arian ng iba nang makasalanan.[Qur’an, 2;188]

Gayundin, ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “
Ang sumpa ng Allah ay sa nagsusuhol sa tumatanggap ng suhol.” [Iniulat ni Ahmad at iba pa]

32.   Panggagaya (sa kilos, gawa at damdamin) ng Kabilang Kasarian

Ayon sa salaysay ni Ibn Abbas nawa’y kalugdan siya ng Allah (swt): “Isinumpa ng Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ang mga kalalakihan na nag-aanyong mga kababaihan, at isinumpa ang mga kababaihang nag-aanyong nga kalalakihan.” [Iniulat ni Al-Bukhari]

33.   Ang Bugaw at ang Puta

Ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Tatlong (uri ng tao) yaong sa kanila ay ipinagbawal ng Allah ang Paraiso: ang manginginom, ang di-masunurin (sa kanyang mga magulang) ang ang bugaw na pumapayag sa kalaswaang-asal ng kanyang asawa (pagkakaroon nga ugnayang sekswal sa ibang mga lalaki).” [Iniulat ni Ahawid]

Ang bugaw ay ang lalaking batid na ang kanyang asawa ay maroong ugnayan sa ibang lalaki at kahit ganoon paman ay pinapayagan niya ito.

34.   Hindi Pag-iingat sa Sarili sa Ihi (Hindi paglilinis sa masilang bahagi pagkatapos umihi)

Ayon sa salaysay ni Ibn Abbas (nawa’y kalugdan siya ng Allah (swt)), minsan noon habang ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay dumadan noon sa isang libingan nakarinig siya ng tinig ng dalawang tao na pinapahiharapan sa kanilang mga puntod.  Ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Ang dalawang taong ito ay pinapahirapan hindi dahil sa isang pangunahing kasalanan (na dapat iwasan).” Pagkatapos ay idinagdag ng Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) na: “Oo” (sila ay pinapahirapan dahil sa isang pangunahing kasalanan). Tunay, isa sa kanila kailanman ay hindi nagligtas sa kanyang sarili sa pagkakadumi ng sariling ihi samantalang ang isa pa ay nagkakalat noon ng kasinungalingan laban sa puri ng kapwa (upang pag-awayin ang mga magkakaibigan).” Pagkatapos ay humingi ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ng luntiang sanga (punong palmera), binali ito sa dalwang piraso at naglagay ng isa sa bawat pintod. Sa pagkakatanong kung bakit niya ginawa ang gayon, siya ay sumagot: ‘Ako ay umaasa na ang kanilang kapahirapan nawa ay mabawasan, hanggang ang mga ito ay matuyo.” [Iniulat ni al-Bukhari]

Ang taong hindi nililinis ang mga ihi sa sarili ay magiging marumi, kung kaya’t hindi siya makakapagsagawa ng as-Salat maliban na lamang kung kanyang papalitan ang kanyang kasuotan o dili kaya ay huhugasan ang nadumihang bahagi ng kanyang kasuotan.

35.   Paninirang Puri (Pagkakalat ng kasinungalingan ukol sa kapwa upang sirain ang kanyang puri)

Tingnan ang nakaraang Hadith

36.   Pagtatatak (Pagmamarka) hayop sa mukha

Ayon sa salaysay ni Ibn Abbas, isang asno na may tatak sa mukha ang nangyaring napadaan sa Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam).  Kagyat na kanyang sinabi: “Nawa'y sumapain ng Allah yaong nagtatak nito (sa mukha).”  [Iniulat ni Muslim]

37.   Pagtatago ng Kaalaman (Kaalaman sa Relihiyon)

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

Katotohanan, yaong mga nagtatago ng mga mamalinaw na patunay, katibayan at patnubay na aming ipinadala (ipinahayag) pagkatapos na Aming ginawang malinaw para sa mga angkan ng Aklat, sila yaong mga isinumpa ng Allah at isinumpa nang mga manunumpa, maliban yaong mga nagsisisi at gumagawa ng mga matuwid na gawa, at tahasang ipinapahayag (ang katotohanang kanilang  itinago).  Ang mga ito, Aking tatanggapin ang kanilang pagsisisi.  At ako ay siyang Tumatanggap ng pagsisisi, ang Lubos na Mahabagin.” [Qur’an, 2:159-160]

Gayundin, ang Sugo (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “
Siya na tinatanong tungkol sa kaalaman (sa rehiliyon) at itinago ito, ay kakabisadahan ng apoy sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” [Iniulat ni Abu-Dawood at at-Tirmidhi]

38.   “Al-Muhalil at Al-Muhalal For”

Ang al-Muhalil ay ang taong nagpapakasal sa tatlong ulit nang nahiwalayan upang (pagkatapos niya ring hiwalayan ito) magiging asawa siya muli ng unang asawa (lalaki) na humiwalay sa kanya ng tatlong ulit.  Ang sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Isinumpa ng Allah ang al-Muhalil at al-Muhalal For” [Iniulat ni Ahmad]

39.   Pagkakanulo (Pagtataksil)

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

O kayong naniniwala! Huwag ipagkanulo ang Allah at ang Kanyang Sugo, maging ang tahasang ipagkanulo ang inyong 'Amanat' (mga bagay na ipinagkatiwala sa inyo, at lahat nga mga tungkulin sa itinakda ng Allah sa inyo).[Qur’an, 8:27]

Gayundin, ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ang nagsabi: “
Sinuman ang nagtataglay ng mga sumusunod na apat (na katangian) ay magiging tunay na mapagkunwari. At sinuman ang nagtataglay ng isa sa mga sunusunod na apat na katangian ay magkakaron ng isang katangian ng pagkukunwari maliban kung talikdan niya ito: Kapag siya ay nakikipagkasunduan, magtatraidor siya at kapag siya ay nakikipag-away, siya ay nag-aasal walang pagpipigil nang masama at nang mapanlibak na gawi.” [Iniulat ni al-Bukhari]

40.    Pagtatraidor (Panlilinlang)

Tingnan ang Hadith sa bilang tatlumpo’t-siyam.

41.   Al-Manan (Pagpapamukha (Panunumbat) ng Naitulong o Kagandahang-loob)

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

O kayong naniniwala! Huwang ipagwalang bahala ang inyong Sadaqa (kawanggawa) sa pagpapamukha (sa kanya).[Qur’an, 2:264]

Ayon sa salaysay ni Abu Dharr (ra), ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nakapansin na: “
Mayroong tatlong (uri ng) tao ang hindi kakausapin, hindi titingnan, hindi padadalisayin ng Allah sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At sila ay magkakaroon ng napakasakit na kaparusahan.” Iniulat ito ng Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) nang tatlong ulit. Nabanggit ni Abu Dharr (ra): “Sila ay nasira sa. Sino sila, O Sugo ng Allah?” Sa sandaling ito ay sinabi ng Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) na: “Ang isang nagbababa ng kanyang kasuotan (hanggang sa ibaba ng kanyang sakong),  ang isang ipinagmamalaki ang kanyang nagawang tulong sa iba, at ang isang nagbebenta ng kanyang paninda sa panunumpa ng huwad.” [Iniulat ni al-Bukhari]

42.   Ang Lalaking Nagbaba ng Kanyang Kasuotan Hanggang sa Ibaba ng Kanyang Sakong

Tingnan ang Hadith sa bilang Apatnapu’t-isa

43. Di Paniniwala sa Naitakda nang Kapalaran

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Kung pahihirapan ng Allah ang mga tao ng Kanyang mga Kalangitan at mga Daigdig, Kanya silang paruruhan nang hindi sila inaapi at kapag Siya ay may habag sa kanila, sa gayon ay higit na mainam ang Kanyang Habag kaysa sa kanilang mabubuting gawa.  At kapag ang tao ay maroong kagaya ng ‘Uhod’ (isang bundok) ng ginto at kanya itong ginugol sa kapakanan ng Allah, hindi ito tatanggapin ng Allah hanggang sa siya ay maniwala na sa itinakdang kapalaran at ang mabuti at masama nito.”  [Iniulat ni Abi-Asim Ashibany]

44.   Pagmamanman (Panunubok)

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

At huwag magmanman.” [Qur’an, 49:12]

Gayundin, ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “
Mag-ingat sa pagdududa, dahil ang pagdududa ay ang pinakamasama sa kasinungalingan at huwag ng maghanap ng kapintasan ng iba, at huwag manubok sa isat-isa.” [Iniulat ni al-Bukhari]

45.   Pagsusumpa (Pagmumura)

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Ang Pagmumura sa isang Muslim ay Fusuq (pagsuway sa Allah) at ang pagpatay sa kanya ay (katumbas ng) di-paniniwala. 

Kapag ang tao ay nagmura (nagsumpa) ng isang tao o ng isang bagay, ang sumpa ay napupunta hanggang sa Langit at ito ay napagsasarhan ng mga pintuan ng langit.  Pagkatapos, ito ay bumabalik pababa sa daigdig at ito ay napagsasarhan ng mga pintuan ng langit. Pagkatapos, ito ay pumipihit pakanan at pakaliwa.  At kapag ito ay hindi nakakita (nakahanap) ng pasukan upang pumunta sa kung saan ito ay bumabalik sa tao o bagay na minura (isinumpa).  Kapag hindi, ito ay bumabalik sa taong nagsabi nito.” [Iniulat ni Abu-Dawood]

Hindi ipinahihintulot na isumpa ang isang partikular na tao, bagama’t ipinahihintulot na isumpa ang mga taong mayroong hindi kanais-nais na pag-uugali kagaya ng pagsasabi ng “
Nawa’y sumpain ng Allah (swt) ang mga di-naniniwala.”

46.   Pagsangguni o Paniniwala sa mga Manghuhula

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Siyang nagpupunta sa isang nag-aangkin na nakakikita sa mga hindi nakikita at maniwala sa kanya, ang kanyang Salat ay hindi tatanggapin ng apatnapung araw.” [Iniulat ni Muslim]

Saklaw ng bagay na ito ay ang pagbabasa. ng "kapalaran" (horoscope) o paggawa  ng "suwerteng tinapay" (fortune cookies).

47.   Pagpapabaya (Paglabag ng Tungkuling Pang-Mag-asawa) sa Panig ng  Asawang Babae

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

At para sa mga kababaihan na sa kanilang panig ay kakikitaan ninyo ng di-kanais-nais na asal, pagsabihan sila (sa una), (susunod) ay tanggihang makasiping sila sa higaan, (at panghuli ay) saktan sila (nang bahagya, kung ito ay makakatulong.  Subalit kapag sila ay nagbalik sa pagkamasunurin, huwag hangarin ang pagkasuklam. Katiyakan, ang Allah ay ang Lagi nang Kataas-taasan, ang Lubos na Makapangyarihan.[Qur’an, 4:34]

Gayundin, ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) sy nagsabi: "
Kapag tinawag ng lalaki ang kanyang asawa sa higaan at siya ay tumanggi, at sa gayon ay nakalipas ang magdamag na ang lalaki ay galit sa babae, ang mga anghel ay patuloy na susumpain siya (babae) hanggang sa umaga." [Napagkasunduan]

Kung kaya't takdang tungkulin ng asawang babae na tugunan ang pangangailangang seksuwal ng lalaki maliban na lamang kung siya ay may karamdaman o dili kaya ay may buwanang dalaw o dinudugo dahil sa bagong panganak.

48.   Paggamit ng mga Rebulto (Idolo) at Larawan ng mga Bagay na may Buhay

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "Ang mga pintor ng mga larawang ito ay parurusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sasabihin sa kanilang:  `Buhayin ninyo ang inyong mga nilikha.’” [Iniulat ni Ad Bukhari]

At ayon sa salaysay ni Aishah (Nawa'y kalugdan siya ng Allah): ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagbalik galing sa isang paglalakbay noong ako ay nakapaglagay ng aking kurtina na mayroong ilang mga imahen (o larawan) sa may (pintuan) ng aking silid. Nang ito ay nakita ng Sugo ng Allah (sas), kanya itong pinunit at nagsabi: "
Ang mga taong makatataggap ng pinakamabigat na parusa sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay yaong nagpupumilit na makagawa ng kagaya ng mga nilikha ng Allah." [Iniulat ni Al Bukhari]

49.  Pagtangis sa Patay

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "Siya na (sa sandaling sapitan ng kapinsalaan ay) nagsasampal sa kanyang pisngi, pinupunit ang kanyang mga kasuotan, at sinusunod ang mga gawi at kaugalian ng Kapanahunan ng Kamangmangan ay hindi nabibilang sa amin." [Napagkasunduan]

(Ang "Siya ay hindi nabibilang sa amin" ay nangangahulugan na siya ay hindi sumusunod sa mga gawi (pag-uugali) ng mga Muslim.)

50.  Kapalaluan at Pang-aapi

Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an:

Ang daan (ng paninisi) ay tanging laban sa kanilang mga nang-aapi ng tao at gumagawa ng maling pagtutol sa daigdig nang walang katwiran, para sa gayon ay magkakaroon ng napakasakit na paghihirap.[Qur’an, 42:42]

At ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "
Katotohanan, ipinahayag sa akin ng Allah na kayo ay nararapat na pairalin ang kababaang loob. Upang sa gayon nawa ay walang gagawa ng masama sa kapwa at walang magiging mapangutya at mapagmalaki sa kapwa." [Iniulat ni Muslim]

51.   Pagsasamantala (Kalupitan) sa mga Mahihina , Asawa, Utusan, at sa Mga Katutubong Hayop

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "Isang babae ang pinarusahan sa Impiyerno dahil sa pusa na kanyang ikinulong hanggang sa ito ay mamatay. Hindi niya ito binigyan ng makakain at maiinom noong ito ay nakakulong, at hindi niya ito pinakawalan upang ito ay makakain ng mga (maninira ng pananim) uod ng lupa." [Napagkasunduan]

"
Ang kabayaran para sa pananakit o pagsampal sa mukha ng isang alipin dahil sa isang bagay na hindi niya ginawa ay ang pagpapalaya sa kanya." [Iniulat ni Muslim]

52.   Panggagalit sa mga Kapitbahay

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "Hindi papasok sa Paraiso yaong ang kanyang kapit-bahay ay hindi ligtas sa kanyang tiwaling (masamang) pag-uugali." [Iniulat ni Muslim]

53.   Panggagalit sa mga Muslim

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur'an na. ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

"
At yaong mga nanggagalit sa mga naniniwalang kalalakihan at kababaihan nang hindi nararapat, pagdurusahan nila (sa kanilang mga sarili) ang pagkakasala ng paninirang-puri at tahasang kasalanan." [Qur’an, 33:58]

54.   Pagkain at Pag-inom sa mga Ginto at Pilak na Kagamitan

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "Katotohanan, ang taong kumakain at umiinom sa mga kagamitan na gawa sa ginto at pilak, sa totoo, ay nagpapaningas ng Apoy ng Impiyerno sa kanyang tiyan." [Iniudat ni Muslim]

55.   Pagsusuot ng Sutla (Seda) ng mga Kalalakihan

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Huwag magsuot ng sutla (seda na kasuotan). Sapagkat sinumang magsuot (ng mga ito) sa buhay na ito ay pagkakaitan ng mga ito sa Kabilang Buhay." [Napagkasunduan]

Ang seda (na kasuotan) ay isinusuot lamang n’yaong walang bahagi nito sa Kabilang  Buhay." [Napagkasunduan]

56.   Pagsusuot ng Gintong (Alahas) ng mga Kalalakihan

Isinalaysay ni Abu-Hurairah (Nawa`y kalugdan siya ng Allah (swt)) na: “Ipinagbawal ng Propeta (Sallallahu 'Alayhi Wasallam) ang pagsusuot ng gintong singsing." [Iniulat ni al-Bukhari]

Ang mga pantas ay nagsabi: “
Sa dahilang ang Propeta (Sallallahu 'Alayhi Wasallam) ay nagbawal ng pagsusuot ng gintong singsing na napakaliit, kung gayon, ang anupamang ginto ay ipinagbabawal sa lalaki sapagkat ang pinakamaliit na piraso ng ginto na maisusuot ng mga kalalakihan ay ang singsing." 

Gayundin ang Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “
Ang mga ito ay ipinagbabawal sa mga kalalakihan sa aking Ummah (tagasunod) at ipinapahintulot sa mga kababaihan ng aking Ummah." 

Ang ibig niyang sabihin ay seda (sutla) at ginto.

57.   Pagkakatay (ng Sakripisyo) para sa iba maliban sa Allah

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Isinusumpa ng Allah ang sinumang magkatay para sa iba maliban sa Allah.” [Iniulat ni Muslim]

Ito ay nagangahulugan ng pagsasabi ng "sa ngalan ng " (Shaytan o isang idolo, o pantas, o propeta) kapag nagkakatay sa halip na magsabi ng "Bismillah" (sa ngalan ng Allah (swt)).

58.   Ang Pagtakas ng Alipin sa Kanyang Amo

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Kapag ang alipin ay tumakas sa kanyang amo, ang kanyang Salat hindi tatanggapin.” [Iniulat ni Muslim]

59.   Sinasadyang Pagkakaila sa Ama o Angkan (Maling Pag-angkin ng Pinagmulang Angkan)

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Siya na (huwad na) nag-aangkin ng kanyang angkan sa kanino pa man maliban sa kanyang tunay na ama, at batid niyang hindi siya ang tunay niyang ama, ay pagbabawalang pumasok sa Paraiso." [Napagsunduan]

60.   Pagbabawas ng Timbang (Kapag Nagbebenta sa Iba)

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur`an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

Kasawian sa Al Mutaffilin [yaong nagbibigay ng kulang sa sukat at timbang (pagbabawas sa karapatan ng iba)]. [Qur’an, 83:I]

61.   Pagpapalagay na Ligtas na sa Karunungan ng Allah

Sa pag-iisip (pagpapalagay) na ang inyong mga gawa ay magliligtas sa inyo at ang mga ito ay sapat na, ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) noon ay nagsasabi: "O Kayo na May-Kapangyarihan sa mga puso, panatilihin ang aking puso sa Islam." [Iniulat ni Ahmed]

62.   Pagkain ng Patay na Hayop, ng Dugo at Laman (Karne) ng Baboy

Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur`an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

Sabihin (O Muhammad), hindi ko mahanap sa naipahayag sa akin na nagsasabing anumang ipinagbabawal na kainin ng isang nagnanais kainin ito, maliban kung ito ay Maytatah (isang patay na hayop) o dugong naipatulo (sa pagkakatay ng kagaya nila), o ang laman ng baboy sapagkat tiyak na ito ay marumi, o dili kaya ay laman ng hayop na kinatay bilang sakripisyo para sa iba maliban sa Allah. Subalit sinumang napilitan lamang dahil sa pangangailangan nang walang sinadyang pagsuway, maging ang paglabag sa takdang hangganan, (para sa kanya) katiyakan, ang inyong Panginoon ay Lagi nang Mapagpatawad, ang Lubos na Mahabagin.[Qur’an, 6:145]

63.   Hindi Pagsasagawa ng Kongregasyong Salat sa Masjid at ng Salat-ul Juma`ah

Sinabi ng Allah (swt) sa Qur`an:

O kayong naniniwala, kapag ang tawag ay naihayag na para sa As-Salat sa araw ng Biyernes, pumunta para sa pag-alaala sa Allah  [sermon, pangaral sa Juma’a (Khutbah) at Salat] at iwanan ang kalakal. Ito ay higit na mainam para sa inyo kung inyo lamang batid.[Qur’an, 62: 9]

Gayundin, ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi tungkol sa Salat sa Biyernes: “
Kapag ang isa ay walang ingat na hindi isinagawa ang Salat sa Biyernes, ipipinid ng Allah ang kanyang puso." [Iniulat ni Ahmed]

Para sa Kongregasyong Salat, ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “
Walang pag-aalinlangan, muntik na akong mag-utos ng isang tao na ipahayag ang Iqama ng (itinakdang pagtitipon) ng Salat at pagkatapos ay pupuntahan ang mga bahay ng mga hindi dumadalo ng Salat (sa masjid) at aking susunigin ang kanilang mga bahay na kasama sila." [Iniulalt ni Al-Bukhari]

Sinuman ang nakarinig ng tawag sa Salat (Adhan) at hindi pumunta (sa masjid) nang walang kadahilanan (kagaya ng karamdaman o pangamba sa kapinsalaan) ay walang Salat (na tatanggapin para sa kanya).” [Iniulat ni Ibn Majah]

Mula sa mga Hadith na ito, ating malalaman na ang Kongregasyong Salat sa masjid ay itinakdang tungkulin sa mga kalalakihan.

64.   Pagtawag sa Isang Muslim na 'Kafir` (Di-Naniniwala)

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Kapag tinawag ng isang tao ang kanyang kapatid (sa Islam) na isang di-naniniwala, isa sa kanila ang tiyak na karapat-dapat sa taguring yaon. Kapag totoong gayon kagaya ng iginiit ng nagsabi, ang kawalan ng paniniwala ng taong yaon ay napatotohanan. Subalit kapag ito ay hindi totoo, ito ay babalik sa kanya. "[Napagkasunduan]

65.   Pagsumpa sa mga Kasamahan ng Propeta

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Huwag isumpa ang aking mga kasamahan, sapagkat kung kayo ay gumugol ng katumbas ng Uhud (bundok) (sa kapakanan ng Allah) hindi man lang ito makakapantay sa isang Mudd (2/3 ng isang kilo) at kahit na ang kalahating Mudd na ginugol ng isa sa kanila." [Iniulat ni al-Bukhari]

Ang mga kasamahan ng Propeta (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay napakabanal (maka-Diyos) at napakamatapat na ang gantimpalang kanilang naisin sa paggugol ng maliit na halaga ay higit na malaki kaysa sa gantimpalang ibinibigay sa iba sa paggugol ng kanilang kasaganaan (kayamanan).

66.   Paglalagay ng Tattoo at ang Di-totohanang Pagpapahaba ng Buhok ng Babae

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: "Isinumpa ng Allah ang babae na di-makatotohanang nagpapahaba ng (kanya o ng ibang buhok, at ang isa na ipinapahaba ang kanyang buhok at at isa na naglalagay ng tattoo (sa kanyang sarili o para sa iba pa), at ang naglalagay ng tattoo." [Iniulat ni Al-Bukhari]

67. Pag-uumang ng Sandata sa Isang Kapstid sa Pananampalata

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “Walang sinuman sa inyo ang nararapat na mang-umang ng sandata sa kanyang kapatid sapagkat hindi niya alam na maaring pakawalan ito sa kanyang kamay at ang kahihinatnan ay ang pagkahulog niya sa hukay ng Impiyernong Apoy (sa di-sinasadyang pagkapatay sa kanya).” [Napagkasunduan]

Ang sandata dito ay nangangahulugang anumang sandata na ginagamit sa digmaan para sa pagsalakay at sa pagtatanggol (espada, baril, pistol, sibat, atbp.).  Ang pag-umang (pagtutok ng sa gayong sandata sa isang Muslim o “Thimmi”, Kahit sa upang takutin lamang siya ay ipinagbabawal.

68.   Paninirang-Puri (Pagkakalat ng Usap-usapan Tungkol sa isang Tao Kahit ng Ito ay Totoo)

Sinabi ng Allah (swt) sa Qur`an:

At huwag magkalat ng usap-usapan (manirang-puri) sa isa’t-isa. Nanaisin ba ng isa sa inyong kainin ang laman ng kanyang patay na kapatid? Inyo itong kasusuklaman (Kung kaya’t kasuklaman ang paninirang puri). At katakutan ang Allah. Katotohanan, ang Allah ang Siyang tumatanggap ng pagsisisi, ang Lubos ng Mahabagin.” [Qur’an, 49:11-12]

69.  Pagpapalit ng Muhon (Tanda sa Lupang Pag-aari)

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “At isinusumpa ng Allah ang sinumang nagpapalit ng muhon (tanda sa lupa).” [Iniulat ni Muslim]

Ang ilang taong may ari-ariang lupa ang nagtatanggal sa tanda nito (na tumutukoy sa hangganan ng lupang pag-aari) upang makamkam ang katabing lupa ng may-ari.

70.  Pagpapasimula (Pagpapakilala ng Masamang Gawa sa Islam)

Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi: “
At sinumang magpasimula ng masamang gawa sa Islam ay pagdurusahan ang kasalanan nito ang mga kasalanan ng lahat ng mga gumawa nito, nang walang kabawasan sa anumang kaparaanan sa kanilang pahirap” [Iniulat ni Muslim]

Kapag ang isang Muslim ay nakagawa nga anumang uri ng pangunahing kasalanan, nararapat na hingin niya ang kapatawaran ng Allah (swt) at huwag hintaying dumating na ang kamatayan at huli na upang magsisi. Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur`an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:

Tinatanggap lamang ng Allah ang pagsisisi ng mga gumagawa ng kasamaan sanhi ng kawalang malay at kamangmangan, at nagsisi pagkatapos. Sila ang patatawarin ng Allah at ang Allah ay ang Lagi nang Lugos na Nakababatid, ang Lubos ng Nakaaalam. At walang saysay ang pagsisisi ng mga nagpapatuloy sa paggawa nga mga masasamang gawa hanggang sa ang kamatayan ay nahaharap na sa isa sa kanila at kanyang sasabihin: ‘Nagsisi ako ngayon.’ Ganoon din sa mga namamatay habang sila ay hindi naniniwala. Aming inihanda para sa kanila ang isang napakahigpit na paghihirap.[Qur’an, 4:17-18]

Ang mga sumusunod ay kondisyon ng pagsisisi:

1.Kadalisayan ng Layunin – Nararapat na magsisi lamang para sa kapakanan ng Allah (swt). Kapag ang mga tao ay dumaranas ng pighati dahil sa paggawa ng pangunahing kasalanan, sila ay nagsasabi ng sila ay nagsisisi sa Allah (swt).  Halimbawa, kapag ang isa ay nagsusugal at naipatalo lahat ang kanyang salapi, kanyang sasabihing ‘Ako ay nagsisisi’. Ngunit kapag nanalo siya o dili kaya ay may natitira pa siyang salapi, siya ay magsusugal muli. Ito ay hindi pagsisisi sapagkat ito ay hindi para sa kapakanan ng Allah (swt).

2.Ihinto ang paggawa ng kasalanang iyon na may layunin (hangarin) na hindi na uulitin ang kasalanang yaon sa hinaharap.

3.Nararapat ng may pagsisisi sa kasalanang nagawa.

4.Kapag ang kasalanang nagawa ay lumabag sa karapatan ng iba, ito ay nararapat na ibalik sa tao o dili kaya ay hingin ang kanyang kapatawaran.

5.Ang isa ay nararapat na magsisi bago maging huli ang lahat at ang kamatayan ay nasasa-kanya na.  Ang Sugo ng Allah (Sallallahu ‘Alayhi Wasallam) ay nagsabi:

Tinatanggap ng Allah ang pagsisisi ng isang alipin hanggang sa ang tawag ng kamatayan ay nagsimula na (bago makaabot sa lalamunan ang kaluluwa ng mamamatay na tao.”  [Iniulat ni at-Tirmidhi].