Monday, January 3, 2011

Ang Mga Pangunahing Katangian ng Islam

Ang Mga Pangunahing Katangian ng Islam 

Maraming malinaw na mga kapahayagan sa Qur’an at sa mga Hadeeth2 ng Propeta (saw) na nag-ulat na ang relihiyon ng mga Propeta ay nag- aanyaya sa isang dakila at pangunahing prinsipiyo, (i.e. ang Kaisahan ng Allah ( Nagpadala ng mga Propeta ang Makapangyarihang Allah sa sangkatauhan, at ang mga naunang mensahe ng bawat isa (Propeta) ay pinawalang-bisa ng mga sumunod dito, mula kay Noah hanggang sa pagdating ni Muhammad (saw).

Ang Propeta (saw) ay nagsabi;
'Ang aking halimbawa at ang halimbawa ng mga Propetang nauna sa akin ay tulad ng isang taong nagtayo ng isang bahay, na kanyang itinayo at binuo nang maganda at mahusay maliban sa isang puwang ng isang tipak (ng bato); ang mga tao ay nagsisilibot sa bahay at napapatingin nang may paghanga sa kabuuan nito at nagsasabing, 'kung inilagay lamang sa puwang na ito ang tipak (ng bato)!'
Ang Propeta (saw) ay nagsabi:
'Ako ang puwang na tipak (ng bato) na iyon, at ako ang Huli sa (kawing ng) mga Propeta.'
(Bukhari #3342)
Wala ng ibang bagong Propeta at Sugo ang darating pa mula sa Allah pagkaraan ni Muhammad (saw). Ang pagbabalik ni Hesus (as) ay tanda lamang ng pagdating ng Huling Oras. Si Hesus (as) ay babalik3 dito sa lupa upang bigyang katarungan ang dating walang katarungang mundo. Siya ay hindi darating upang magtatag ng panibagong relihiyon, bagkus ipangangaral niya ang tanging isang relihiyon - ang Islam. Ang Propeta Muhammad (saw) ay nagsabi:
“Ang Oras (Huling Araw) ay hindi maitatatag hanggat ang anak ni Maria (Hesus) ay darating sa inyo bilang makatarungang pinuno. Babakliin niya ang mga krus, papatayin niya ang mga 20 baboy, aalisin niya ang Jizya4, at ang salapi ay sasagana hanggang walang sinuman ang tatanggap pa nito.”
(Bukhari )
Ang lahat ng mga Propeta ay nag-aanyaya sa Kaisahan ng Allah at itinatakwil ang pagbibigay katambal sa Kanya sa pagsamba at maging sa kapamahalaan. Sila ay nagkakaisang nagpahayag na ang Allah ay malayo at malaya sa anupamang kakulangan o kapintasan. Sila ay nanawagan sa kani-kanilang mga mamamayan na sambahin ang Tanging Nag-iisang Diyos, ang Allah na walang anumang tagapamagitan. Pinatnubayan nila ang sangkatauhan upang makamtan nila ang tunay na kaligayahan sa mundong ito at maging sa Kabilang Buhay. Tinuruan ang mga tao na magkakaroon ng magandang pag- uugali at kaaya-ayang galaw o kilos tungo sa pagpapaunlad ng sarili. Ang Dakilang Allah, ay nagsabi:
“Ipinag-utos Niya sa inyo ang katulad ng relihiyon na ipinag-utos kay Noah at ipinahayag sa iyo (o Muhammad) at siya ring ipinag- utos kina Abraham at Moises at Hesus na nagsabing: ‘Itatag ang relihiyon at huwag magkahiwalay mula rito. Karumal-dumal para sa mga sumasamba sa mga diyus-diyusan sapagkat sila ay naglalaan ng pagdalangin sa mga ito.”
(Qur’an 42:13)
1) Pinawalang-bisa ang mga naunang yugto ng relihiyon at ang Islam ang siyang huling yugto nito. Hindi tatanggapin ng Allah ang ibang relihiyon mula sa kanyang mga alipin. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
"At Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (Qur'an) sa katotohanan, na nagpapatunay sa mga Kasulatan na dumating nang una pa rito at bilang saksi rito."
(Qur'an 5:4)
 At dahil ang Islam ay siyang wakas at huling yugto ng Deen (Relihiyon), ang Allah ay nangako na ito ay Kanyang pananatilihin at pangalagaan mula sa lahat ng uri ng pagbabago hanggang sa Araw ng Pagbabayad, hindi tulad ng mga naunang yugto ng relihiyon na ipinadala sa natatanging panahon at sa mga natatanging tao. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“Alalahanin! Kami, tunay na Kami ang nagpahayag ng Paala-ala at Babala (Qur’an) at katotohanan, ito ay Aming pangangalagaan.”
(Qur’an 15:9)
 Ang Sugo ng Islam na si Muhammad (saw) ay siyang huli sa lahat ng Sugo Wala ng darating pagkaraan niya. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
"Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyo, datapwa't siya ang Sugo ng Allah at huli sa lahat ng mga Propeta…".( Qur 'an 33:40)
Ito ay hindi nangangahulugan na hindi kinikilala ng Islam ang mga naunang mga Sugo o kapahayagan… bagkus, si Hesus (as) ay nagdala ng mensahe sa kanyang mga mamamayan ng tulad ng mensaheng ibinigay ni Moises (as) sa kanyang mga mamamayan; at si Muhammad (saw) ay nagdala ng mensahe na siya ring mensaheng dinala ni Hesus (as) at ito ay ang pagsamba lamang sa Allah na hindi nagbibigay o nag-aakibat ng anumang bagay bilang katambal sa pagsamba sa Kanya.

Si Muhammad (saw) ay ang huling Propeta at Sugo ng Allah. Ang mga Muslim ay pinag-utusan na maniwala sa lahat ng Sugo at sa mga Banal na Kapahayagan. Sinuman ang hindi naniwala sa mga ito, ay nasadlak sa kawalan ng pananalig o paniniwala at sa gayon, siya ay lumisan mula sa pagiging Muslim (ituturing na hindi tunay na mananampalataya). Ang Dakilang Allah ay nagsabi;
“Katotohanan, yaong mga hindi nananampalataya sa Allah at sa Kanyang mga Sugo at nagnanais magbigay ng pagtatangi sa Allah at sa Kanyang mga Sugo na nagsasabing: “Kami ay naniniwala sa ilan (sa mga Sugo) subali’t tinatanggihan (namin) ang iba,” at (sila’y) nagnanais tumahak sa pagitang landas (ng paniniwala at kawalang ng paniniwala)5. Ang katotohana’y sila ay hindi (tunay na) mga mananampalataya. At Aming inihanda sa mga Kafir(6) ang isang kahiya-hiyang parusa.” (Qur’an 4:150-151)
2) Binigyang kaganapan ng Islam ang mga batas na dala ng mga naunang Relihiyon. Ang mga batas na nauna ay nakaugnay at nag-ugat sa aspetong pang-ispirituwal na naglayon ng pagpapadalisay ng kaluluwa. Ang mga ito ay hindi tumatalakay sa pagsasaayos ng pang- material na bagay. Subali't ang Islam ay dumating upang gawing ganap at isaaayos ang kabuuang ng aspeto ng buhay. Ang Islam ay tumatalakay sa ugnayang relihiyon at makamundong gawain. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“…Sa araw na ito Aking binigyang ganap ang inyong relihiyon at ipinagkaloob ang kagandahang loob sa inyo at pinili ang Islam bilang inyong relihiyon.” (Qur’an 5: 3)
Sa ganitong dahilan, ang Islam ay ang pinakamahusay na Deen (pamamaraan ng buhay). Ang Dakilang Allah ay nagsabi;

"Kayo (mga Muslim) ang pinakamabuting pamayanan na lumitaw para sa sangkatauhan; (sapagka’t) inyong ipinag-uutos ang Ma’aruf (gawang kabutihan) at ipinagbabawal ang Munkar (gawang kasamaan), at kayo ay naniniwala sa Allah. At kung ang Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) ay naniwala lamang, ito ay isang babala sa mga mga Hudyo at Kristiyano, na tinaguriang “Angkan ng Kasulatan” sa Banal naQu r’ an. Sila’y naniniwala sa ilang Propeta at tinatanggihan ang iba. Ang mga Hudyo ay naniniwala sa mga Propeta maliban lamang kay Hesus at Muhammad (saw).

Ang mga Kristiyano naman ay naniniwala sa mga Propeta subali’t kanilang itinatakwil ang panghuli sa mga Sugo at Propeta na si Muhammad (saw). Sinumang magtakwil kahit sa isa lamang sa mga Propeta ng Allah ay katunayang hindi naniniwala sa kanilang lahat, sapagka’t isang kinakailangan sa sangkatauhan ang maniwala sa lahat ng Propeta at Sugong ipinadala ng Dakilang Lumikha – Allah. Sinumang magtakwil sa isa man sa mga Propeta dahil sa inggit, pagkiling at personal na kapritso, ipinakikita lamang niya na ang kanyang paniniwala sa ibang Propeta ay hindi totoo bagkus isang gawaing sumusunod lamang sa pagnanais at kapritso.

Ang susunod na talata’y matutunghayan na sila’y hindi tunay na mananampalataya at dahil dito’y ang kanilang kahihitnatnan ay Impiyerno. ito ay higit sanang mabuti para sa kanila. Mula sa kanila ay mayroon (din namang) Mu’min (mga tapat na mananampalataya), ngunit karamihan sa kanila ay Fasiqun (palasuway sa Allah at mapaghimagsik laban sa kautusan ng Allah)." (Qur'an 3:110)

3) Ang Islam ay pangkalahatang Relihiyon na ang mensahe ay nakalaan sa lahat ng tao, sa lahat ng pook at sa lahat ng panahon.

Ito ay hindi ipinahayag para sa mga natatanging lahi, uri, bansa o panahon. Ito ang Deen (Relihiyon) na ang lahat ng tao ay pantay-pantay. Walang pagkakaiba batay sa kulay, wika, angkan o lugar, subali't ito ay batay sa isang uri ng paniniwala na siyang nagbubuklod sa lahat ng tao. Sinuman ang may pananampalataya sa Allah na Siya lamang ang Tunay na Rabb (Panginoon), na ang Islam ay ang tunay na Deen (Relihiyon) at si Muhammad ay huling Sugo (saw) siya ay (kabilang na) isa ng Muslim. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
"At ikaw (O Muhammad) ay Aming isinugo bilang tagapagdala ng magandang balita at tagapagbabala sa Sangkatauhan...” (Qur’an 34: 2)
Tungkol sa mga naunang mga Sugo, sila ay ipinadala sa kani-kanilang pamayanan. Ang Dakilang Allah ay nagsabi tungkol kay Noah (as):
"Katotohanang Aming isinugo si Noah sa kanyang pamayanan!..." (Qur'an 7:59)
Tungkol kay Propeta Hud (as) ang Dakilang Allah ay nagsabi:
"At sa (Tribu ng) A'ad (Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Hud, Siya ay nagsabi: O aking mamamayan! Sambahin ninyo ang Allah! Wala kayong iba pang ilah (diyos) maliban sa Kanya…"
(Qur'an 7:65)
Tungkol kay Salih (as), ang Dakilang Allah ay nagsabi:
"At sa (Tribu ng) Thamud (ay Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Salih. Siya ay nagbaya: O aking mamamayan! Sambahin ninyo ang Allah! Kayo ay wala ng iba pang ilah (diyos) maliban sa Kanya…"
(Qur'an 7:73)
Hinggil kay Lut (as), ang Dakilang Allah ay nagsabi:
"At (alalahanin) si Lut, nang sabihin niya sa kanyang mamamayan: 'Inyo bang ginagawa ang pinakamasamang kasalanan, na wala pang sinumang nauna sa inyo sa lahat ng mga nilalang?" (Qur'an 7:80)
At tungkol kay Shu'aib (as), ang Dakilang Allah ay nagsabi;
"At sa (mamamayan ng) Madyan (Midian) ay (Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Shu'aib, siya ay nagbadya: 'O aking mamamayan! Sambahin ninyo ang Allah, wala na kayong iba pang ilah (diyos) maliban sa Kanya…"
(Qur'an 7:85)
Tungkol kay Moises (as) ang Dakilang Allah ay nagsabi:
"At pagkaraan nila (mga naunang Sugo) ay Aming isinugo si Moises na kasama ang Aming mga Tanda (Himala) kay Paraon at sa kanyang mga pinuno…" (Qur'an 7:103)
At hinggil kay Hesus (as), ang Dakilang Allah ay nagsabi;
"At (alalahanin) nang si Hesus, ang anak ni Maria, ay nagsabi: 'O Angkan ng Israel! Ako ay isang Sugo ng Allah na ipinadala sa inyo, na nagpapatunay sa Torah (mga Batas) na ipinadala (sa inyo) nang una pa sa akin…" (Qur'an 61:6)
Dahil sa katotohanan na ang Islam ay pangkalahatang relihiyon at ito ay nag-aanyaya sa buong sangkatauhan, ang Dakilang Allah ay nag- uutos sa lahat ng mga Muslim na iparating ang mensahe sa buong mundo. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“Kaya’t, ginawa Namin kayong isang makatarungang (at pinakamabuti) Ummah (pamayanan) upang kayo ay maging saksi sa sangkatauhan, at ang Sugo (Muhammad) ay maging saksi sa inyo.” (Qur’an 2:143) 4)
4) Ang mga batas at mga katuruan ng Islam ay nagmula sa Dakilang Allah kaya naman walang anumang pagbabago sa mga ito.

Hindi tulad ng mga batas na ginawa ng tao na laging nang may kamalian at kakulangan sanhi na rin ng maraming dahilan tulad ng kapaligiran, kultura, kaugalian at lipunan. Ito ay isang bagay na nasasaksihan sa kasalukuyan. Ang mga batas na ginawa ng tao ay lagi nang nangangailangan ng pagbabago at pagsusuri. Ang batas na angkop sa isang lipunan ay hindi naaangkop sa ibang lipunan at ang angkop sa ibang panahon ay hindi angkop sa ibang panahon. Katulad ng mga batas ng pamayanang Kapitalista na hindi angkop sa mga Komunista. Sinuman ang magnais magpanukala ng bagong batas sa isang pamayanan ay dapat niyang isaalang-alang ang paniniwala o hangarin o layunin ng madla. Karagdagan pa rito, ang isang taong maalam ay maaaring magbigay ng panukala at pagsalangsang o pagsalungat o karagdagan sa mga dating batas.

Tungkol sa mga batas ng Islam, ang mga ito ay itinuturing na banal at ganap, sapagkat ang gumawa nito ay ang Makapangyarihang Tagapaglikha ng lahat ng mga bagay, Siya ang nakababatid nang ganap kung ano ang mabuti sa tao sa natatanging panahon at kung ano ang mabuti sa kanilang pamumuhay. Walang sinuman ang maaaring magkaroon ng karapatang salungatin, baguhin, dagdaan o bawasan ang mga batas (ng Islam) maging anuman ang kanyang katayuan o kalagayan o pinag-aralan. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“Sila ba, kung gayon, ay humahanap ng Hatol (batay) sa (panahon ng Jahiliyah [Kamangmangan7])? At sino ba ang nakahihigit sa Allah sa paghatol sa mga taong may matatag na pananampalataya?” (Qur’an 5:50)
5) Ang Deen (Relihiyon) na Islam ay isang Deen na ang mga paksa o nilalaman ay pangkalahatan, naaangkop sa lahat ng panahon at pook.

Ito ay nagpapakilala ng mga pangkalahatang prinsipiyo at mga aral na hindi maaaring baguhin, ang mga (batas na) ito ay hindi kumukupas sa paglipas ng panahon o sa pagbabago ng pook o kalagayan ng mamamayan maging ito man ay mga alituntunin na tumatalakay sa mga paniniwala, tulad halimbawa ng paniniwala sa Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa mga Kapahayagan, sa mga Sugo, sa Huling Araw, sa Kahihinatnan. O kaya naman hinggil sa alituntunin ng pag- samba, tulad halimbawa ng mga bilang ng 'rakah' (yunits) sa pagdarasal at ang mga oras nito, ang halaga na dapat ibibigay sa obligasyon ng Zakah (kawang-gawa) at kung kanino dapat ibigay, ang mga oras ng ubligadong pag-aayuno at ang mga katangian at patakaran sa 'Hajj' (paglalakbay sa Makkah).

Bawat bagong paksa, bagay o pangyayari ay nararapat na sinusuri batay sa Qur'an at sa mapananaligang Sunnah ng Propeta (saw) upang ito ay mabigyan ng kaukulang pasiya pagkaraan ng masusing pag-aaral. Kung ang maliwanag na pasiya ng isang paksa, bagay o pangyayari ay hindi maaaring hanguin mula sa Qur'an at sa Sunnah ng Propeta (saw), ang mga mapagkakatiwalaan (may ganap na takot sa Allah,at mabuting mga pantas o paham ay kailangan gumawa ng hakbangin (Ijtihad) sa bawat panahon kaakibat ng pagsaaalang-alang sa kapakanan ng mga Muslim batay sa kalagayan ng mga mamamayan at lipunan. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng pangkalahatang kahulugan ng kapahayagan (talata o Ayaat8 ng Qur'an) at pinag-aaralan mabuti ang ibat-ibang simulain na hinango mula sa Qur'an at Sunnah; tulad ng mga sumusunod;

  1. Ang lahat ng bagay ay pinahihintulutan maliban sa ipinagbawal ng Batas ng Islam.
  2. Iniingatan at pinangangalagaan ang kapakanan.
  3. Ang Islam ay magaan o maginhawa at madaling Deen (Relihyon) at naglalayong pawiin ang lahat ng kahirapan.
  4. Ang lahat ng kahirapan o kapinsalaan ay pinapawi.
  5. Hinahadlangan ang kasamaan, pinipigil nito ang pinag-uugatan upang hindi lumaganap.
  6. May mga mahihigpit na pangangailangan o dahilan na maaaring pahintulutan ng batas ng Islam (tulad halimbawa sa maselang sakit o operasyon ng babaing maysakit, pinahihintulutan ang doktor na lalake sa tawag ng kaligtasan kung walang babaeng doktora na maaaring magsagawa nito.
  7. Ang malubhang dahilan o pangangailangan ay pinahihintulutan ayon sa kalagayan. (halimbawa, kung ang isang tao ay nasa isang disyerto at walang anumang tubig na maaaring inumin, at mayroong isang inuming nakalalasing, ito ay maaari niyang inumin pansamantala habang wala pang tubig. Sa ganitong gipit na kalagayan, higit na nangunguna ang kaligtasan.
  8. Ang pag-alis o pag-iwas sa kapinsalaan ay pinagtutuunan nang higit kaysa pagkakaroon ng kapakinabangan mula rito.
  9. Sa isang gipit na pagkakataon, na kung walang pagpipilian sa dalawang kasamaan, dapat niyang piliin o gawin ang magaan na kasamaan sa dalawa.
  10. Ang kasamaan ay hindi nararapat supilin ng parehong kasamaan.
  11. Ang natatanging kasamaan ay dapat pigilin upang hindi lumala o makapinsala sa pangkalahatan. Marami pang ibang mga panuntunan na tulad ng mga ito. Sa pagsasagawa ng Ijtihad, (ang mga paham/pantas) ay hindi dapat pangibabawan ng kaniang sariling hangarin o pithaya, o kaya naman ay gamitin niya ito sa pansariling kabutihan. Nararapat niyang gawin ang lahat sa kapakanan ng mga tao na hindi sumasalungat sa mga katibayan mula sa kapahayagan. Ito ay sa dahilang ang Islam ay naaangkop at tumutugma sa bawat panahon, at ipinagkakaloob nito ang pangangailangan ng bawat lipunan.
6) Walang mga diskriminasyon sa Deen (Relihiyon) ng Islam.

Ang lahat ng alituntunin ay nababagay sa lahat, walang pagkakaiba sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, ng mga matataas na tao at aba, ng namumuno at ang mga pinamumunuan, ang mga puti at itim. Ang lahat ay pantay sa pamamalakad ng batas ng Islam (Shari'ah).

Noong panahon ng Propeta (saw), isang babae mula sa angkan ng Makhzoom at mula sa tribo ng Quraish (ang pinakamarangal na angkan ng mga dakilang tribo) ay nagnakaw. Ang mga ibang taong nakapaligid sa kanya ay nagsabi, 'Sino ang mamamagitan sa Sugo ng Allah para sa kapakanan niya (babae)?' Ang mga iba ay nagsabi, 'Sino pa ang may lakas ng loob kundi si Usaamah bin Zaid(as), ang pinakamamahal ng Sugo ng Allah

Si Usaamah ay nagtangkang mamagitan, at ang Propeta ay nagsabi,
'Ikaw ay ba namamagitan sa isa sa mga itinakdang kaparusahan ng Allah?' Ang Propeta ay tumayo sa pagkakataong iyon at nagsalita; "O aking mamamayan, ang bagay na nakasira sa mga taong nauna sa inyo ay kung ang isang mataas o marangal na tao ay nagnakaw, hindi nila ito pinarurusahan, subali't kung ang isang dukha ay nagnakaw, minamabuti nilang ipataw ang kaparusahan na pinagtibay ng Allah sa kanya. Ako ay nanunumpa sa Allah, na kung si Fatimah na anak ni Muhammad ay nagnakaw, puputulin ko ang kanyang kamay."9 (Muslim)
7) Ang mga pinagmulang kapahayagan ng Deen (Relihiyon) ng Islam ay narito pa rin sa kasalukuyan na nasa orihinal na kaayusan, malaya sa anumang pagbabago, pagbabawas, pagdaragdag o pagpapalit. Ang pangunahing pinagkunan ng Deen ng Islam ay ang Qur'an at ang Sunnah ng Sugo ng Allah.

Ang Qur’an sa kasalukuyan ay nasa orihinal nitong anyo, tulad nang una itong ipinahayag kay Propeta Muhammad (saw), na ang bilang ng mga titik, mga talata at mga kabanata ay hindi nagbago kahit munti man.
9Ang itinalagang kaparusahan ng Islam sa mga nagnakaw ay ang pagputol ng kamay.

Ang Propeta (saw) ay nagtalaga ng mga iskribo (manunulat) mula sa mga pinakamabubuti niyang kasamahan upang isulat ang mga ipinahayag sa kanya ng Allah, tulad nina Ali (ra), Mu’aawiyah (ra), Ubay bin Ka’b (ra) at si Zaid bin Thaabit (ra). Kapag siya ay nakatatanggap ng mga kapahayagan mula sa Dakilang Allah, inuutusan niya ang kanyang mga tagasulat na isulat ang mga naipapahayag, at sinasabihan kung saang kabanata ito nararapat. Naisaulo at naisulat ang buong Qur’an at maging sa puso ng mga Muslim.

Ang mga Muslim ay nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa Aklat ng Allah. Sila ay nagpapaligsahan sa bawat isa na matuto at ituro ito, upang sa gayon ay makatanggap ng gantimpala tulad ng pangako ng Propeta (saw);
"Ang pinakamabuti sa inyo ay yaong mga nag-aaral sa Qur’an at nagtuturo nito (sa mga tao)".( Bukhari)
Sila ay gumugugol ng panahon at yaman upang makapaglingkod, ingatan at isaulo ang Qur’an. Ang mga Muslim ay naghatid sa Qur’an mula sa mga unang nakaraang henerasyon hanggang sa mga bagong henerasyon, (isinaalang-alang na ang pagmemorya at pagbasa nito ay isang gawaing pagsamba). Ang Propeta (saw) ay nagsabi ;
"Sinuman ang bumasa (bumigkas) ng isang titik ng Qur’an, siya ay makatatanggap ng sampung gantimpala. Hindi ko ibig sabihin na ang ‘Alif Laam Meem’ ay isang titik, subali't ang ‘Alif’ ay isang titik, ang ‘Laam’ ay isang titik at ang ‘Meem’ ay isang titik".(Tirmidhi )
Ang pangalawang batayan (Batas ng Islam) ay ang Sunnah ng Sugo (saw) na tumayo bilang pagbibigay linaw at pagpapaliwanag ng Qur’an. Pinangalagaan ito ng Allah mula sa anumang pagbabago at sa lahat ng pagkasira o katiwalian sa pamamagitan ng mga mabubuti at mapagkakatiwalaang iskolar o maalam na Muslim na nagsakripisyo ng kanilang buhay upang pag-aralan ang mga tradisyon ng Sugo ng Allah, at ang mga kawing ng mga tagapagsalaysay, sinuri at masusing siniyasat kung ang mga sinasalaysay ay tunay nga (o maisasaalang-alang) na nagmula sa Propeta (saw).

Sinusuring mabuti ang lahat ng mga isinasalaysay kung ito ay nanggaling nga sa Propeta (saw), at hindi tinanggap ang mga salaysay na walang matibay na batayan at hindi napatunayan. Ang mga salaysay na ito ay dumating sa ating panahon na malaya mula sa anumang katiwalian o kasinungalingan. Sinuman ang magnais manaliksik sa pamamaraang ginawa upang pangalagaan ang Sunnah (ng Propeta(saw), ay maaari silang sumangguni sa mga Agham ng Hadeeth. Magiging malinaw sa mga mananaliksik sa mga Agham na ito ay walang alinlangan tungkol sa mga isinalaysay na Hadeeth na umabot sa atin, at kanila ding mapag-aalaman ang malaking hirap na ginugol ng mga iskolar ng Islam sa paglilingkod upang mapanatili ang Sunnah ng Propeta (saw).

Itinuturing ng Deen (Relihiyon) ng Islam na pantay ang lahat ng tao sa kanilang likas, maging ito man ay ukol sa kasarian, kulay o wika. Ang unang taong nilikha ng Allah ay si Adan (as). Siya ang ama ng sangkatauhan. At mula kay Adan nilikha ang kanyang asawa na si Eva, ang ina ng sangkatauhan, at mula sa kanilang dalawa, pinapangyaring dumami ang tao. Sa kanilang orihinal na likas, ang lahat ng tao ay magkakatulad. Ang Dakilang Allah ay nagsabi ;
“O sangkatauhan! Matakot sa inyong Rabb (sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanyang kautusan), na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang tao (Adam), at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa [Hawwa (Eba)], at mula sa kanila’y nilikha Niya ang maraming kalalakihan at kababaihan. At matakot sa Allah na Siyang hinihingan ninyo (ng inyong mga karapatan) sa isa’t isa, at (huwag putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan (kamag-anakan). Katiyakan, ang Allah ay Lagi nang Nakamasid sa inyo.…” (Qur’an 4:1)
Si Propeta Muhammad ((saw), ay nagsabi:
“Sinumang sumira (pumutol) sa pakikitungo sa kamag-anakan ay hindi makapapasok sa Paraiso”.
(Bukhari at Muslim)
Ang mga tao na nabubuhay at mabubuhay pa sa mundong ito ay mula sa lahi ni Adan. Sila ay nagsimula sa iisang Deen (Relihiyon) at mayroong silang iisang wika nguni't dahil sa pagdami ng tao sila ay nangagkalat sa ibat ibang dako ng mundo at lupain. At ito rin ang dahilan kung bakit nagkaiba ang kulay at likas ng tao (bunga ng kapaligiran) at nagkaroon ng ibat-ibang wika. At ito ang pinagmulan ng iba’t ibang kaisipan, pamamaraan ng pamumuhay at paniniwala. Ang Allah ay nagsabi:
“Ang sangkatauhan (noon) ay nag-iisang pamayanan (isang relihiyon) lamang (nang malaunan) sila ay nagkaiba-iba; at kung hindi lamang para sa isang Salita na inilahad noon ng iyong Panginoon, marahil malaon nang nalutas sa pagitan nila ang tungkol sa anumang kanilang ipinagkaiba." (Qur'an 10:19)
Sa mga aral ng Islam ay naglalagay sa tao sa pantay na katayuan na hindi isinasaalanag-alang ang kanilang kasarian, lahi, wika o pook. Lahat ay pantay sa paningin ng Allah. Sila ay nagkaiba lamang sa pagsasagawa at pagsasakatuparan sa Deen ng Allah. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“O sangkatauhan! Alalahanin! Nilikha namin kayo bilang lalaki at babae at ginawa Namin kayong isang pamayanan at lahi upang kayo ay mangagkakilala. Alalahanin! Ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay yaong mayroong magandang asal...” (Qur’an 49: 13)
Batay sa pagkapantay-pantay na kinilala ng Islam, lahat ng tao ay pantay sa karapatan sa kalayaan na pinangangalagaan ng Islam at hindi pinahihintulot ang makahayop na kalayaan; tulad ng pagsasagawa ng kahit na anong nais gawin. 

~Talatinigan~
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hadeeth: ang mga isinalaysay na gawain, pananalita at mga sinang-ayunan ni Propeta Muhammad.
3 Ang katuwiran dito ay hindi namatay si Hesus, tulad ng paniniwala ng mga Kristiyano at mga Hudyo, datapwat siya ay itinaas sa langit at hindi siya napatay ng mga Hudyo na kanilang inakala. Tinggnan ang Qur'an (4:157).
4 Ang Ji zya ay isang buwis na ibinabayad ng mayamang di Muslim sa pamahalaang Muslim
Kafirun- Sa pananaw ng Islam, ang “Kafir” (isahan) ay may isang kahulugan, yaong taong tumatanggi at nagtatakwil sa katotohanan. Kaya, angKafi run oKuffar (maramihan) ay mga taong walang paniniwala, pananampalataya, at pananalig sa Allah at sa mga Batas na ipinahayag Niya. Sila ay mga taong nagtakwil sa Kaisahan ng Allah (hindi kumikilala sa Allah bilang Tanging Isang Diyos na karapat dapat pag-ukulan ang Pagsamba, at hindi tinanggap ang Kapahayagan ng Qur’an at pinabulaanan ang pagiging tunay na Propeta ni Propeta Muhammad.
7 Isinalaysay ni Ibn Abbas: Ang Sugo ng Allah ay nagsabi, “Ang kinamumuhiang tao ng Allah ay tatlo:
1. Ang isang taong lumihis mula sa kagandahang asal,
2 Ang isang taong nagnanais na ang mga kaugalian sa panahon ng Jahiliyah (kamangmangan) ay manatili sa Islam ;
3. isang tao na naglalayong padanakin ang dugo ng sinuman kahit siya ay walang karapatan (na gawin ito).”
8 Ayaat-ito ay isang salita sa wikang arabik na kadalasan ay tumutukoy sa mga tanda, kapahayagan, aral batas, at babala na ipinahihiwatig na Allah sa tao upang magkaroong ng pagkakataon na mag- isip, unawain at magnilay-nilay sa lahat ng oras. Maraming mgapalatandaan o tanda na maaaring makita sa ating mga sarili at maging sa kapaligiran na nagbibigay pahiwatig na mayroong isang Makapangyarihang Diyos na dapat nating pag-ukulan ng pagsamba. Bukod sa mgatanda, mayroon ding mgaaral na isinasalaysay sa atin upang maging pamantayan natin sa pagtahak sa landas ng buhay. Ang mgak apahayagan atbatas naman ay nauukol sa mga banal na kasulatan na ipinagkatiwala sa mga Propeta at Sugo upang magbigay patunay tungkol sa katotohanan ng pagkakaroon ng Isang Diyos na Siyang nagbigay buhay sa atin kalakip ng tamang pamamaraan ng buhay upang sa gayon makamtan ng bawa’t tao ang magandang buhay pagkaraan ng kamatayan at ang mgababala upang maiwasan ang anumang kapahamakan hindi lamang sa makamundong buhay kundi higit sa lahat ang walang hanggang hantungan ng Impiyerno.


No comments:

Post a Comment