Kahulugan ng Muhammad Rasulullah
Ang Kahulugan ng Muhammad RasulAllah (si Muhammad ay Sugo ni Allah) ay ang pagkilala sa salita at sa isip na siya ay Lingkod at Sugo ni Allah sa lahat ng tao, at ang pagkilos at paggawa ayon sa hinihiling ng pagkilalang ito, gaya ng pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya, paniniwala sa anumang sinabi niya, pag-iwas sa anumang ipinagbawal niya at sinaway, at na hindi sasambahin si Allah kung hindi ayon sa kanyang itinagubilin. |
Ang pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah ay may dalawang Haligi o Batayan: Lingkod ni Allah at Sugo ni Allah. Ang dalawang ito ay humahadlang sa pagpapalabis at pagsasawalang-bahala sa karapatan niya. Siya ang Lingkod at ang Sugo ni Allah at siya ang pinakaganap na nilikha dahil sa dalawang marangal na katangiang ito. Ang kahulugan ng "Ang papuri ay ukol kay Allah na nagbaba sa Kanyang lingkod ng Aklat at hindi Niya ito nilagyan ng kabaluktutan." Lingkod dito ay ang mananambang alipin.
Ibig sabihin: siya ay isang taong nilikha na nilikha mula sa kung saan nilikha ang mga tao; nangyayari sa kanya ang nangyayari sa kanila. Sinabi ni Allah:
"Sabihin mo: "Ako ay tao lamang na tulad ninyo.…" {18:110}
at ang sabi pa Niya:
"Ang papuri ay ukol kay Allah na nagbaba sa Kanyang lingkod ng Aklat at hindi Niya ito nilagyan ng kabaluktutan." {18:1}
Ang kahulugan naman ng Sugo ay angisinu go sa lahat ng tao dala ang paanyaya sa pagsamba kay Allah, bilang tagapaghatid ng nakalulugod na balita at tagapagbabala. Sa pagsaksi sa kanya (SAS) sa pamamagitan ng dalawang katangiang ito (Lingkod at Sugo) ay nahahadlangan ang pagpapalabis at pagwawalang-bahala sa kanyang karapatan. Kaya nga lamang mayroong maraming nag-aangking kabilang diumano sa mga tagasunod niya na nagpapalabis at nagpapasobra kaugnay sa kanyang karapatan hanggang sa inangat na siya, mula sa antas ng pagiging mananamba, sa antas na pinag-uukulan ng pagsamba bukod pa kay Allah. Hinihingan siya ng saklolo bukod pa kay Allah.
Hinihilingan siya ng bagay na walang may kakayahang magbigay kundi si Allah, gaya ng pagtugon sa mga pangangailangan at pag-aalis ng mga kapighatian. May iba namang nagkakaila sa kanyang mensahe o nagsasawalang-bahala sa pagsunod sa kanya o sumasalig sa mga pahayag na sumasalungat sa mensaheng hinatid niya.
No comments:
Post a Comment